Font Size
Mga Awit 91:13-15
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Awit 91:13-15
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
13 Iyong(A) tatapakan kahit mga ahas o leong mabagsik,
di ka maaano sa mga serpiyente't leong mababangis.
14 Ang sabi ng Diyos, “Ililigtas ko ang mga tapat sa akin,
at iingatan ko ang sinumang taong ako'y kikilanlin.
15 Kapag sila'y tumawag, laging handa ako na sila'y pakinggan,
aking sasamahan at kung may problema ay sasaklolohan;
aking ililigtas at ang bawat isa ay pararangalan.