Add parallel Print Page Options

10 Nang ang ulap ay lumayo sa tolda, si Miriam ay naging ketongin na kasimputi ng niyebe. Tiningnan ni Aaron si Miriam, at nakita na ito'y ketongin.

11 At sinabi ni Aaron kay Moises, “O panginoon ko, huwag mo kaming parusahan,[a] sapagkat gumawa kaming may kahangalan, at kami ay nagkasala.

12 Huwag mong itulot sa kanya, isinasamo ko sa iyo, na maging parang isang patay na naagnas ang kalahati ng kanyang laman paglabas sa tiyan ng kanyang ina.”

Read full chapter

Footnotes

  1. Mga Bilang 12:11 Sa Hebreo ay huwag mong iparatang ang kasalanan sa amin .