Font Size
Mga Bilang 15:8-10
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Bilang 15:8-10
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
8 Kung maghahandog kayo ng isang toro upang sunugin o ihain bilang katuparan ng panata o kaya'y bilang handog pangkapayapaan, 9 sasamahan naman ito ng isa't kalahating salop ng pinong harinang minasa sa dalawang litrong langis, 10 at ganoon din karaming inumin upang maging mabangong samyo kay Yahweh.
Read full chapter