Add parallel Print Page Options

16 “Lahat namang makahawak ng patay o kalansay sa labas ng tolda, at ang sinumang mapahawak sa libingan ay ituturing din na marumi sa loob ng pitong araw.

17 “Ang mga itinuturing na marumi dahil sa paghawak sa patay, kalansay o libingan ay kukuha ng abo na galing sa sinunog na handog para sa kapatawaran ng kasalanan. Ilalagay ito sa isang palangganang may sariwang tubig. 18 Pagkatapos, ang isa sa mga itinuturing na malinis ay kukuha ng sanga ng hisopo, ilulubog ito sa tubig at wiwisikan nito ang tolda, ang mga kagamitan dito, at ang lahat ng taong nakahawak ng patay, kalansay o libingan.

Read full chapter