Add parallel Print Page Options

Pagkatapos, ang baka'y susunugin nang buo sa harapan ng pari, pati balat, dugo at dumi. Habang sinusunog ito, ang pari ay kukuha naman ng kahoy na sedar, ng hisopo at lana, at isasama sa bakang sinusunog. Pagkatapos, lalabhan ng pari ang kanyang kasuotan, maliligo siya, saka papasok sa kampo. Ituturing siyang marumi ayon sa Kautusan hanggang kinagabihan.

Read full chapter