Add parallel Print Page Options

Sila'y(A) naglakbay mula sa bundok ng Hor patungo sa Dagat na Pula upang umikot sa lupain ng Edom; at ang damdamin ng mga tao ay nainip sa daan.

Ang(B) bayan ay nagsalita laban sa Diyos at laban kay Moises, “Bakit ninyo kami iniahon mula sa Ehipto, upang mamatay sa ilang? Sapagkat walang pagkain at walang tubig at ang kaluluwa namin ay nasusuya na sa walang kuwentang pagkaing ito.”

Pagkatapos, ang Panginoon ay nagsugo ng mga makamandag[a] na ahas sa mga taong-bayan, at tinuklaw ng mga ito ang mga tao, kaya't marami sa Israel ang namatay.

Read full chapter

Footnotes

  1. Mga Bilang 21:6 o nag-aapoy .