Font Size
Mga Bilang 21:4-6
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Bilang 21:4-6
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang mga Makamandag na Ahas
4 Mula(A) sa Bundok ng Hor, nagpatuloy ang mga Israelita patungong Dagat na Pula[a] upang iwasan ang Edom. Subalit nainip sila sa pasikut-sikot na paglalakbay. 5 Nagreklamo sila sa Diyos at kay Moises, “Inilabas mo ba kami sa Egipto upang mamatay lamang sa ilang na ito? Wala kaming makain ni mainom! Suyang-suya na kami sa walang kuwentang pagkaing ito.” 6 Dahil(B) dito, pinadalhan sila ni Yahweh ng mga makamandag na ahas at maraming Israelita ang natuklaw ng mga ito at namatay.
Read full chapterFootnotes
- 4 Dagat na Pula: o kaya'y Dagat ng mga Tambo .