Font Size
Mga Bilang 21:6-8
Ang Biblia, 2001
Mga Bilang 21:6-8
Ang Biblia, 2001
6 Pagkatapos, ang Panginoon ay nagsugo ng mga makamandag[a] na ahas sa mga taong-bayan, at tinuklaw ng mga ito ang mga tao, kaya't marami sa Israel ang namatay.
7 Ang bayan ay pumunta kay Moises at nagsabi, “Kami ay nagkasala, sapagkat kami ay nagsalita laban sa Panginoon at laban sa iyo. Idalangin mo sa Panginoon, na kanyang alisin sa amin ang mga ahas. At idinalangin ni Moises ang bayan.
8 At sinabi ng Panginoon kay Moises, “Gumawa ka ng isang makamandag[b] na ahas at ipatong mo sa isang tikin, at bawat taong nakagat ay mabubuhay kapag tumingin doon.”
Read full chapterFootnotes
- Mga Bilang 21:6 o nag-aapoy .
- Mga Bilang 21:8 o nag-aapoy .