Font Size
Mga Bilang 23:5-7
Magandang Balita Biblia
Mga Bilang 23:5-7
Magandang Balita Biblia
5 May sinabi kay Balaam si Yahweh. Pagkatapos, pinabalik ito kay Balac. 6 Nadatnan niya si Balac at ang mga pinuno sa paligid ng handog na sinusunog. 7 Sinabi ni Balaam,
“Mula sa Aram, sa bulubundukin sa silangan,
ipinatawag ako ni Balac na hari ng Moab.
Ang sabi niya sa akin, ‘Halika't ang bansa ni Jacob ay iyong sumpain.
Halika't itakwil mo ang bansang Israel!’
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
By Philippine Bible Society