Font Size
Mga Gawa 11:19-21
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Mga Gawa 11:19-21
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Iglesya sa Antioquia
19 Samantala, (A) nagkawatak-watak ang mga mananampalataya dahil sa pag-uusig na nangyari kay Esteban. Naglakbay sila hanggang sa Fenicia, sa Cyprus, at sa Antioquia. Sa mga Judio lamang nila ipinangangaral ang salita saanman sila makarating. 20 Gayunman, mayroon sa kanilang taga-Cyprus at taga-Cirene na pagdating sa Antioquia ay nangaral din sa mga Griyego tungkol sa Panginoong Jesus. 21 Ginabayan sila ng kamay ng Panginoon, at napakaraming sumampalataya at nagbalik-loob sa Panginoon.
Read full chapter
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.