Add parallel Print Page Options

Ang Pagkamatay ni Herodes

20 Matagal nang umaapaw ang galit noon ni Herodes sa mga taga-Tiro at taga-Sidon. Nagkaisa ang mga tao na pumunta sa kanya upang makipagkasundo, sapagkat umaasa ang kanilang bayan sa lupain ng hari para sa kanilang ikabubuhay. Hinikayat nila si Blasto na katiwala ng hari upang tulungan sila.

21 Sumapit ang takdang araw at isinuot ni Herodes ang damit-hari at naupo sa trono, at sa kanila'y nagtalumpati. 22 Sumigaw ang taong-bayan, “Ito'y tinig ng diyos at hindi ng tao!”

Read full chapter