Font Size
Mga Gawa 18:6-8
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Gawa 18:6-8
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
6 Nang siya'y salungatin at laitin ng mga ito, ipinagpag niya ang alikabok sa kanyang damit bilang babala sa kanila. Sinabi niya, “Kasalanan na ninyo kung kayo'y mapahamak! Hindi ko na sagutin iyon! Mula ngayo'y sa mga Hentil na ako mangangaral.” 7 Kaya't umalis siya roon at tumira sa bahay ni Ticio[a] Justo, isang Hentil na may takot sa Diyos. Katabi ng sinagoga ang bahay nito. 8 Si Crispo, na tagapamahala ng sinagoga, at ang kanyang sambahayan ay nanalig sa Panginoon. Marami pang mga taga-Corinto na nakinig kay Pablo ang sumampalataya at nagpabautismo.
Read full chapterFootnotes
- 7 Ticio: Sa ibang manuskrito'y Tito .
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon) (MBBTAG-DC)
By Philippine Bible Society