Font Size
Mga Gawa 2:27-29
Magandang Balita Biblia
Mga Gawa 2:27-29
Magandang Balita Biblia
27 Sapagkat ang kaluluwa ko'y di mo pababayaan sa daigdig ng mga patay,[a]
At hindi mo hahayaang makaranas ng pagkabulok ang iyong Banal na Lingkod.
28 Itinuro mo sa akin ang mga landas patungo sa buhay,
dahil ikaw ang kasama ko, ako'y mapupuno ng kagalakan.’
29 “Mga kapatid, may katiyakang sinasabi ko sa inyo na ang ninuno nating si David ay namatay at inilibing, at naririto ang kanyang libingan hanggang ngayon.
Read full chapterFootnotes
- Mga Gawa 2:27 daigdig ng mga patay: Sa Griego ay Hades .
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.