Font Size
Mga Gawa 2:41-43
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Gawa 2:41-43
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
41 Kaya't ang mga naniwala sa ipinangaral niya ay nagpabautismo, at nadagdagan ang mga alagad ng may tatlong libong katao nang araw na iyon. 42 Inilaan nila ang kanilang mga sarili upang matuto sa turo ng mga apostol, magsama-sama bilang magkakapatid, magsalu-salo sa pagkain ng tinapay, at manalangin.
Ang Pamumuhay ng mga Sumasampalataya
43 Dahil sa maraming himala at kababalaghang ginagawa sa pamamagitan ng mga apostol [sa Jerusalem],[a] naghari sa lahat ang takot.
Read full chapterFootnotes
- 43 sa Jerusalem: Sa ibang manuskrito’y hindi nakasulat ang mga salitang ito .