Font Size
Mga Gawa 9:8-10
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Gawa 9:8-10
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
8 Tumayo si Saulo at pagmulat niya ay hindi siya makakita, kaya't siya'y inakay ng mga kasama niya at dinala sa Damasco. 9 Hindi siya nakakita sa loob ng tatlong araw at hindi rin siya kumain ni uminom.
10 Sa Damasco ay may isang alagad na ang pangala'y Ananias. Tinawag siya ng Panginoon sa pamamagitan ng isang pangitain, “Ananias!”
“Ano po iyon, Panginoon,” tugon niya.
Read full chapter