Add parallel Print Page Options

36 Kinakailangang kayo'y magtiis upang masunod ninyo ang kalooban ng Diyos at matanggap ninyo ang kanyang ipinangako. 37 Sapagkat,(A)

“Kaunting panahon na lamang,
    hindi na magtatagal, at ang darating ay darating na.
38 Ang matuwid kong lingkod ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya,[a]
    ngunit kung siya'y tatalikod,
    hindi ko siya kalulugdan.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 38 Ang matuwid…pananampalataya: o kaya'y Ang taong tinatanggap ng Diyos dahil sa pananampalataya ay mabubuhay .