Font Size
Mga Hebreo 11:11-13
Magandang Balita Biblia
Mga Hebreo 11:11-13
Magandang Balita Biblia
11 Dahil(A) din sa pananampalataya, si Abraham ay nagkaroon ng kakayahang maging ama, kahit na siya'y matanda na at kahit si Sara ay hindi na maaaring magkaanak pa. Nanalig siyang tutuparin ng Diyos ang kanyang pangako.[a] 12 Kaya't(B) sa isang taong maituturing na halos patay na ay nagmula ang isang lahi na naging sindami ng bituin sa langit at ng di mabilang na buhangin sa dalampasigan.
13 Silang(C) lahat ay namatay na may pananampalataya. Hindi nila nakamtan ang mga ipinangako ng Diyos, ngunit natanaw nila iyon mula sa malayo at itinuring na natanggap na nila. Kinilala nilang sila'y mga dayuhan lamang at nangingibang-bayan dito sa lupa.
Read full chapterFootnotes
- Mga Hebreo 11:11 Dahil din sa pananampalataya…pangako: Sa ibang matatandang manuskrito'y Dahil din sa pananampalataya sa Diyos, si Sara, kahit matanda na, ay niloob ng Diyos na magkaanak sapagkat nanalig siya na tapat ang nangako .
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.