Add parallel Print Page Options

Dapat(A) ituring na marangal ng lahat ang pag-aasawa at maging tapat kayo sa isa't isa, sapagkat hahatulan ng Diyos ang mga nakikiapid at nangangalunya.

Huwag(B) kayong magmukhang pera; at masiyahan na kayo sa anumang nasa inyo. Sapagkat sinabi ng Diyos, “Hindi kita iiwan ni pababayaan man.” Kaya't(C) malakas ang loob nating masasabi,

“Ang Panginoon ang tumutulong sa akin,
    hindi ako matatakot.
Ano ang magagawa sa akin ng tao?”

Read full chapter