Add parallel Print Page Options

Alalahanin ninyo ang nangagkaroon ng pagpupuno sa inyo na siyang nangagsalita sa inyo ng salita ng Dios; at sa pagdidilidili ng wakas ng (A)kanilang pamumuhay, ay inyong tularan ang kanilang pananampalataya.

Si Jesucristo ay (B)siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man.

Huwag nga kayong padala (C)sa mga turong sarisari at di kilala: sapagka't mabuti na ang puso ay patibayin sa pamamagitan ng biyaya; (D)hindi sa pamamagitan ng mga pagkain, na di pinakikinabangan ng mga nagabala sa kanila.

Read full chapter