Font Size
Mga Hebreo 2:3-5
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Mga Hebreo 2:3-5
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
3 Kaya paano tayo makakaiwas sa parusa kung ipagwawalang-bahala natin ang ganito kadakilang kaligtasan? Ang Panginoon ang nagpahayag nito noong una, at pinatunayan din sa atin ng mga nakarinig sa kanya. 4 Lalo pa itong pinatunayan ng Diyos sa pamamagitan ng mga tanda, ng mga kababalaghan at iba't ibang himala gayundin sa pamamagitan ng mga kaloob ng Banal na Espiritu, na ipinamahagi ayon sa kanyang kapasyahan.
Ang Nagpasimula ng Kaligtasan
5 Sapagkat hindi sa mga anghel ipinasakop ng Diyos ang sanlibutang darating, na siyang tinutukoy namin.
Read full chapter
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.