Font Size
Mga Hebreo 2:5-7
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Hebreo 2:5-7
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang Nagsagawa ng Pagliligtas sa Atin
5 Hindi sa mga anghel ipinamahala ng Diyos ang daigdig na kanyang lilikhain—ang daigdig na aming tinutukoy. 6 Sa(A) halip ay ganito ang sinasabi ayon sa isang bahagi ng Kasulatan:
“Ano ba ang tao upang iyong pahalagahan,
o ang anak ng tao upang iyong pangalagaan?
7 Sandaling panahong siya'y ginawa mong mas mababa kaysa mga anghel,
pinuspos mo siya ng dangal at ng luwalhati, [ginawa mo siyang tagapamahala ng lahat ng iyong nilikha][a]
Footnotes
- 7 ginawa mo siyang...ng iyong nilikha: Sa ibang manuskrito’y hindi nakasulat ang mga salitang ito.