Add parallel Print Page Options

12 Kaya't huwag kayong maging tamad. Tularan ninyo ang mga taong dahil sa kanilang pagtitiis at pananalig sa Diyos ay tumatanggap ng mga ipinangako niya.

Tiyak ang Pangako ng Diyos

13 Nang mangako kay Abraham ang Diyos, siya'y nanumpa sa kanyang sariling pangalan, yamang wala nang hihigit pa sa kanya na maaari niyang panumpaan. 14 Sinabi(A) niya, “Ipinapangako ko na lubos kitang pagpapalain at pararamihin ko ang iyong lahi.”

Read full chapter