Add parallel Print Page Options

At siya'y may tatlong pung anak na (A)sumasakay sa tatlong pung asno, at sila'y may tatlong pung bayan (B)na tinatawag na Havot-jair hanggang sa araw na ito, na nangasa lupain ng Galaad.

At namatay si Jair, at inilibing sa Camon.

Ang Israel ay muling tumalikod sa Dios.

At ginawa uli ng (C)mga anak ni Israel ang kasamaan sa paningin ng Panginoon, at (D)naglingkod sa mga Baal, at kay Astaroth, at sa mga dios sa Siria, at sa mga dios sa (E)Sidon, at sa mga dios sa Moab, at sa mga dios ng mga anak ni Ammon, at sa mga dios ng mga (F)Filisteo; at pinabayaan nila ang Panginoon, at hindi naglingkod sa kaniya.

Read full chapter