Font Size
Mga Hukom 19:1-3
Magandang Balita Biblia
Mga Hukom 19:1-3
Magandang Balita Biblia
Ang Levita at ang Kanyang Asawang-lingkod
19 Nang panahong wala pang hari ang Israel, may isang Levita sa malayong bulubundukin ng Efraim. Kumuha siya ng isang babaing taga-Bethlehem, Juda at ginawa niyang asawang-lingkod. 2 Subalit nagalit sa kanya ang babae at[a] umuwi sa mga magulang nito sa Bethlehem. Nanatili ito roon nang apat na buwan. 3 Naisipan naman ng Levita na puntahan ang asawa at himuking makisamang muli sa kanya. Nagpagayak siya ng dalawang asno at lumakad na kasama ang isang katulong. Pagdating doon, pinatuloy sila ng babae at malugod na tinanggap ng biyenang lalaki.
Read full chapterFootnotes
- Mga Hukom 19:2 nagalit…babae at: Sa ibang manuskrito'y nagtaksil sa kanya ang babae kaya't .
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.