Font Size
Mga Hukom 20:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Hukom 20:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Naghanda ang Israel Upang Digmain ang Benjamin
20 Ang mga Israelita, mula sa Dan sa gawing hilaga hanggang sa Beer-seba sa timog, at mula sa Gilead sa silangan, ay nagtipun-tipon sa Mizpa, sa harapan ni Yahweh, 2 kasama ang mga pinuno ng bawat lipi. Lahat-lahat ay umabot ng apatnaraang libong kawal. 3 Ang pangyayaring ito'y nakarating sa kaalaman ng mga Benjaminita.
Ang tanong ng mga Israelita, “Paano ba naganap ang kasamaang ito?”
Read full chapter