Font Size
Mga Hukom 20:12-14
Magandang Balita Biblia
Mga Hukom 20:12-14
Magandang Balita Biblia
12 Ang mga Israelita'y nagpadala ng mga sugo sa lahat ng lugar na sakop ng Benjamin at kanilang ipinasabi, “Napakasama nitong ginawa ninyo sa amin. 13 Ibigay ninyo sa amin ang mga taga-Gibeang gumawa nito at papatayin namin para mawala ang salot sa buong Israel.” Ngunit hindi pinansin ng mga Benjaminita ang mga Israelita. 14 Sa halip, nagtipun-tipon sila sa Gibea upang lumaban sa ibang lipi ng Israel.
Read full chapter
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
By Philippine Bible Society