Font Size
Mga Hukom 21:5-7
Ang Biblia, 2001
Mga Hukom 21:5-7
Ang Biblia, 2001
5 At sinabi ng mga anak ni Israel, “Sino ang hindi umahon sa lahat ng mga lipi ng Israel sa kapulungan sa Panginoon?” Sapagkat sila'y gumawa ng taimtim na panata tungkol sa hindi aahon sa Panginoon sa Mizpa na sinasabi, “Siya'y tiyak na papatayin.”
6 Ngunit naawa ang mga anak ni Israel sa Benjamin na kanilang kapatid, at sinabi, “May isang angkan na natanggal sa Israel sa araw na ito.
7 Paano ang ating gagawing paghanap ng mga asawa sa kanila na naiwan, yamang tayo'y sumumpa sa Panginoon na hindi natin ibibigay sa kanila ang ating mga anak na babae upang maging asawa?”
Read full chapter