Font Size
Mga Hukom 3:8-10
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Hukom 3:8-10
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
8 Dahil dito, nagalit si Yahweh sa kanila at pinabayaang masakop ni Haring Cushanrishataim ng Mesopotamia. Walong taon silang inalipin ng haring ito. 9 Subalit nang humingi sila ng tulong kay Yahweh, ginawa niyang hukom si Otniel, anak ni Kenaz at pamangkin ni Caleb, upang ito ang magligtas sa kanila sa pagkaalipin. 10 Nilukuban siya ng Espiritu[a] ni Yahweh, at siya'y naging hukom at pinuno ng Israel. Nakipagdigma siya laban kay Cushanrishataim na hari ng Mesopotamia. Sa tulong ni Yahweh, natalo ito ni Otniel.
Read full chapterFootnotes
- 10 Espiritu: o kaya'y kapangyarihan .