Add parallel Print Page Options

12 At napakita ang anghel ng Panginoon sa kaniya, at sinabi sa kaniya, Ang (A)Panginoo'y sumasaiyo, ikaw lalaking makapangyarihang may tapang.

13 At sinabi ni Gedeon sa kaniya, Oh Panginoon ko, kung ang Panginoon ay sumasaamin, bakit nga ang lahat ng ito ay sumapit sa amin? at (B)saan naroon ang lahat niyang kababalaghang gawa (C)na isinaysay sa amin ng aming mga magulang, na sinasabi, Hindi ba tayo iniahon ng Panginoon mula sa Egipto? nguni't ngayo'y hiniwalayan kami ng Panginoon at ibinigay kami sa kamay ng Madian.

14 At tiningnan siya ng Panginoon, at sinabi, (D)Yumaon ka sa kalakasan mong ito, at iligtas mo ang Israel sa kamay ng Madian: (E)hindi ba kita sinugo?

Read full chapter