Add parallel Print Page Options

33 (A)Ang sumpa ng Panginoon ay nasa bahay ng masama;
Nguni't pinagpapala niya ang tahanan ng matuwid.
34 Tunay na kaniyang dinuduwahagi ang mga mangduduwahagi,
(B)Nguni't binibigyan niya ng biyaya ang mababa.
35 Ang pantas ay magmamana ng kaluwalhatian;
Nguni't kahihiyan ay magiging ganti sa mga mangmang.

Read full chapter