Add parallel Print Page Options

Ang Juda ay pumasok sa pagkabihag dahil (A)sa pagdadalamhati, at sa kabigatan ng paglilingkod;
Siya'y tumatahan sa gitna ng mga bansa, siya'y walang masumpungang kapahingahan;
Inabot siya ng lahat na manghahabol sa kaniya sa mga gipit.
Ang mga daan ng Sion ay nangagluluksa, sapagka't walang pumaparoon sa (B)takdang kapulungan;
Lahat niyang pintuang-bayan ay giba, ang mga saserdote niya'y nangagbubuntong-hininga:
Ang mga dalaga niya ay nangagdadalamhati, at siya'y nasa kahapisan.
Ang kaniyang mga kalaban ay naging (C)pangulo, ang kaniyang mga kaaway ay nagsiginhawa;
Sapagka't pinagdalamhati siya ng Panginoon (D)dahil sa karamihan ng kaniyang mga pagsalangsang:
Ang kaniyang mga batang anak ay pumasok sa pagkabihag sa harap ng kalaban.

Read full chapter