Add parallel Print Page Options

At nawala ang buong kamahalan ng anak na babae ng Sion:
Ang kaniyang mga prinsipe ay naging parang mga usa na hindi makasumpong ng pastulan,
At nagsiyaong walang lakas sa harap ng manghahabol.
Naaalaala ng Jerusalem sa kaarawan ng kaniyang pagdadalamhati at ng kaniyang mga karalitaan ang lahat niyang naging maligayang bagay ng mga kaarawan nang una:
Nang mahulog ang kaniyang bayan sa kamay ng kalaban, at walang sumaklolo sa kaniya,
Nakita siya ng mga kalaban, tinuya nila ang kaniyang mga pagkasira.
Ang Jerusalem ay lubhang nagkasala; kaya't siya'y naging parang maruming bagay;
Lahat ng nangagparangal sa kaniya ay humahamak sa kaniya, sapagka't (A)kanilang nakita ang kaniyang kahubaran:
Oo, siya'y nagbubuntong-hininga, at tumatalikod.

Read full chapter