Add parallel Print Page Options

12 Kanilang sinasabi sa kanilang mga ina,
Saan nandoon ang trigo at alak?
Pagka sila'y nanganglulupaypay na parang sugatan sa mga lansangan sa bayan,
Pagka ang kanilang kaluluwa ay nanglulupaypay sa kandungan ng kanilang mga ina.
13 Ano ang aking patototohanan sa iyo? (A)sa ano kita iwawangis, Oh anak na babae ng Jerusalem?
Ano ang ihahalintulad ko sa iyo, upang maaliw kita, Oh anak na dalaga ng Sion?
Sapagka't ang iyong sira ay (B)malaking parang dagat: sinong makapagpapagaling sa iyo?
14 Ang iyong mga propeta ay (C)nakakita para sa iyo ng mga pangitain na walang kabuluhan at kamangmangan;
At hindi nila (D)inilitaw ang iyong kasamaan, (E)upang bawiin ang iyong pagkabihag,
Kundi nakarinig para sa iyo ng mga hulang (F)walang kabuluhan at mga kadahilanan ng pagkatapon.

Read full chapter