Mga Panaghoy 2:16-18
Ang Biblia (1978)
16 Ibinukang maluwang ng (A)lahat mong kaaway ang kanilang bibig laban sa iyo:
Sila'y nagsisisutsot at nagsisipagngalit ng ngipin; kanilang sinasabi, Aming nilamon siya;
Tunay na ito ang kaarawan na aming hinihintay; aming nasumpungan, (B)aming nakita.
17 Ginawa ng Panginoon ang (C)kaniyang ipinasiya; kaniyang tinupad ang kaniyang salita na kaniyang iniutos (D)nang mga kaarawan nang una;
Kaniyang ibinagsak, at hindi naawa:
At kaniyang pinapagkatuwa sa iyo ang kaaway; kaniyang pinataas ang (E)sungay ng iyong mga kalaban.
18 Ang kanilang puso ay nagsisidaing sa Panginoon:
(F)Oh kuta ng anak na babae ng Sion, dumaloy ang mga luha na parang ilog araw at gabi;
Huwag kang magpahinga; huwag maglikat (G)ang itim ng iyong mata.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978