Mga Panaghoy 2:3-5
Ang Biblia (1978)
3 Kaniyang inihiwalay sa pamamagitan ng mabangis na galit ang buong (A)sungay ng Israel;
(B)Kaniyang iniurong ang kaniyang kanang kamay sa harap ng kaaway:
At kaniyang sinilaban ang Jacob na parang maalab na apoy, na namumugnaw sa palibot.
4 Kaniyang iniakma ang kaniyang busog na parang kaaway, (C)kaniyang iniyamba ang kaniyang kanan na parang kalaban,
At pinatay ang lahat na maligaya sa mata:
Sa tolda ng anak na babae ng Sion ay kaniyang ibinuhos ang kaniyang kapusukan na parang apoy.
5 Ang Panginoon ay naging parang kaaway, kaniyang nilamon ang Israel;
Kaniyang nilamon ang lahat niyang palacio, kaniyang iginiba ang kaniyang mga katibayan;
At kaniyang pinarami sa anak na babae ng Juda ang panangis at panaghoy.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978