Font Size
Mga Panaghoy 4:17-19
Ang Biblia (1978)
Mga Panaghoy 4:17-19
Ang Biblia (1978)
17 Ang aming mga mata ay nangangalumata dahil sa aming paghihintay (A)ng walang kabuluhang tulong:
Sa aming paghihintay ay nangaghihintay kami sa isang (B)bansa na hindi makapagligtas.
18 Kanilang inaabangan ang aming mga hakbang, (C)upang huwag kaming makayaon sa aming mga lansangan:
Ang aming wakas ay malapit na, ang aming mga kaarawan ay nangaganap; sapagka't ang aming wakas ay dumating.
19 Ang mga manghahabol sa amin ay (D)lalong maliliksi kay sa mga aguila sa himpapawid:
Kanilang hinabol kami sa mga bundok, kanilang binakayan kami sa ilang.
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978