Add parallel Print Page Options

Ito ang mensahe ng Panginoon tungkol sa Samaria at Jerusalem.[a] Ipinahayag niya ito kay Micas na taga-Moreshet noong magkakasunod na naghari sa Juda sina Jotam, Ahaz at Hezekia.

Sinabi ni Micas: Makinig kayong mabuti, lahat kayong mga mamamayan sa buong mundo.[b] Sapagkat sasaksi ang Panginoong Dios laban sa inyo mula sa kanyang banal na templo.[c]

Read full chapter

Footnotes

  1. 1:1 sa Samaria at Jerusalem: Ang Samaria ay kabisera ng Israel at kumakatawan sa buong kaharian ng Israel. Ang Jerusalem ay kabisera ng Juda at kumakatawan sa buong kaharian ng Juda.
  2. 1:2 mga mamamayan sa buong mundo: o, mga Israelita na nasa Israel.
  3. 1:2 banal na templo: Maaaring ang kanyang templo sa Jerusalem o ang kanyang tahanan sa langit.