Add parallel Print Page Options

Makinig kayong mabuti, lahat kayong mga mamamayan sa buong mundo.[a] Sapagkat sasaksi ang Panginoong Dios laban sa inyo mula sa kanyang banal na templo.[b]

Parurusahan ang Israel at Juda

Makinig kayo! Lalabas ang Panginoon mula sa kanyang tahanan. Bababa siya at lalakad sa matataas na bahagi ng mundo. Ang mga bundok na kanyang malalakaran ay matutunaw na parang mga kandila na nadikit sa apoy, at magiging lubak-lubak ang mga patag na kanyang malalakaran na parang dinaanan ng tubig na umagos mula sa matarik na lugar.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1:2 mga mamamayan sa buong mundo: o, mga Israelita na nasa Israel.
  2. 1:2 banal na templo: Maaaring ang kanyang templo sa Jerusalem o ang kanyang tahanan sa langit.