Add parallel Print Page Options

Pero ako ay puspos ng Espiritu ng Panginoon na siyang nagbibigay sa akin ng kapangyarihan para maipatupad ko ang katarungan, at nagpapalakas ng loob ko para masabi sa mga mamamayan ng Israel at Juda na nagkasala sila.

Makinig kayo, mga pinuno ng Israel at Juda! Ayaw ninyong pairalin ang katarungan at binabaluktot ninyo ang katuwiran. 10 Itinatayo ninyo ang Zion[a] sa pamamagitan ng masamang paraan. Handa kayong pumatay maitayo lamang ito.

Read full chapter

Footnotes

  1. 3:10 Zion: Makikita rin sa Hebreo ang salitang Jerusalem na ibang pangalan ng Zion.