Mikas 2:11-13
Ang Biblia (1978)
11 Kung ang isang taong lumalakad sa espiritu ng kabulaanan ay nagsisinungaling, na nagsasabi, Ako'y manghuhula sa iyo tungkol sa alak at matapang na inumin; (A)siya nga'y magiging propeta sa bayang ito.
12 Walang pagsalang aking pipisanin, Oh Jacob, ang lahat ng (B)iyo; aking pipisaning walang pagsala ang nalabi sa Israel: akin silang ilalagay na magkakasama na (C)parang mga tupa sa (D)Bosra, na parang kawan sa gitna ng pastulan sa kanila; sila'y magkakaingay ng di kawasa dahil sa karamihan ng tao.
13 Nangunguna sa kanila yaong nagbubukas ng daan: sila'y nagbukas ng daan at nagsidaan sa pintuang-bayan, at nagsilabas doon; at ang kanilang (E)hari ay nagpauna sa kanila, at ang Panginoon (F)sa unahan nila.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978