Font Size
Mikas 3:1-3
Ang Biblia (1978)
Mikas 3:1-3
Ang Biblia (1978)
Mga masasamang mga pinuno, saserdote, at mga propeta.
3 At aking sinabi, Isinasamo ko sa inyo, na inyong dinggin, ninyong mga pangulo ng Jacob, at mga pinuno ng sangbahayan ni Israel: (A)hindi baga sa inyo ang pagalam ng katuwiran.
2 Kayong napopoot sa mabuti at umiibig sa kasamaan; (B)na siyang umaagaw sa mga dukha ng balat nila, at ng kanilang laman sa kanilang mga buto;
3 Kayo ring kumakain (C)ng laman ng aking bayan, at lumalapnos ng kanilang balat, at bumabali ng kanilang mga buto, at kanilang pinagputolputol yaon, na wari'y para sa palyok, at (D)parang laman sa loob ng caldera.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978