Font Size
Mikas 3:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mikas 3:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang mga Katiwalian ng mga Pinuno sa Israel
3 At sinabi ko, “Makinig kayo, lahat ng mga pinuno ng Israel! Katarungan ang dapat ninyong pairalin. 2 Ngunit ayaw ninyo ng mabuti at ang nais ninyo'y kasamaan. Binabalatan ninyo nang buháy ang aking bayan at unti-unting hinihimay ang kanilang mga laman. 3 Kinakain ninyo ang kanilang laman, binabakbak ang kanilang balat, binabali ang mga buto, at tinatadtad na parang karneng iluluto.
Read full chapter