Font Size
Mikas 3:4-6
Ang Biblia (1978)
Mikas 3:4-6
Ang Biblia (1978)
4 Kung magkagayo'y (A)magsisidaing sila sa Panginoon, nguni't hindi niya sasagutin sila; oo, kaniyang ikukubli ang kaniyang mukha sa kanila sa panahong yaon, ayon sa kanilang ginawang kasamaan sa kanilang mga gawa.
5 Ganito ang sabi ng Panginoon (B)tungkol sa mga propeta na nagliligaw sa aking bayan; (C)na nagkakanggigitil ng kanilang mga ngipin at nagsisihiyaw, Kapayapaan; at yaong hindi naglalagay sa kanilang bibig, (D)ay pinaghahandaan siya nila ng digma:
6 Kaya't (E)magiging gabi sa inyo, na hindi kayo magkakaroon ng pangitain; at magkakaroon ng kadiliman, na hindi kayo makapanghuhula; (F)at ang araw ay lulubog sa mga propeta, at ang araw ay mangungulimlim sa kanila.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978