Font Size
Nahum 3:7-9
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Nahum 3:7-9
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
7 Lalayuan ka ng lahat ng makakakita sa iyo.
Sasabihin nila, ‘Wasak na ang Nineve!
Sino ang magmamalasakit sa kanya?
Sino ang aaliw sa kanya?’”
Hindi Maipagtatanggol ng Nineve ang Kanyang Sarili
8 Nakahihigit ka ba sa Tebez?
Siya rin naman ay may ilog
na nakapalibot gaya ng isang pader,
ang Ilog Nilo na kanyang tanggulan.
9 Pinangunahan niya ang Etiopia[a] at Egipto,
walang hanggan ang kanyang kapangyarihan;
ang Libya ay kapanalig ng Tebez.
Footnotes
- 9 ETIOPIA: Sa wikang Hebreo ay “Cus”; sakop ng lugar na ito ang mga kasalukuyang bansa ng Etiopia at Sudan.