Font Size
Nehemias 12:37-39
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Nehemias 12:37-39
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
37 Pagdating nila sa Pintuan ng Bukal nagtuloy silang paakyat sa Lunsod ni David. Lumampas sila sa palasyo ni David hanggang sa sumapit sila sa Pintuan ng Tubig sa gawing silangan ng lunsod.
38 Ang ikalawang pangkat na nagpasalamat din ay lumakad namang pakaliwa sa ibabaw ng pader. Sumunod ako sa pangkat na ito at lumakad kaming kasama ang kalahati ng mga taong bayan. Lumampas kami sa Tore ng mga Pugon papunta sa Maluwang na Pader. 39 Mula roo'y lumampas kami sa Pintuan ni Efraim, sa Pintuang Luma, tuloy sa Pintuan ng Isda, sa Tore ni Hananel, sa Tore ng Sandaan patungo sa Pinto ng mga Tupa. Huminto kami sa may pinto ng Templo.
Read full chapter