Font Size
Nehemias 13:1-2
Magandang Balita Biblia
Nehemias 13:1-2
Magandang Balita Biblia
Paghiwalay sa mga Dayuhan
13 Nang(A) araw na binasa sa harap ng mga tao ang Kautusan ni Moises, natuklasan nila roon na mahigpit na ipinagbabawal sa mga Israelita ang makihalubilo sa mga Ammonita o Moabita. 2 Ipinagbawal(B) ito, sapagkat hindi sila binigyan ng pagkain at inumin ng mga Ammonita at Moabita nang dumaan ang mga Israelita sa lupain ng mga ito noong lumabas sila sa Egipto. Sa halip, inupahan pa ng mga ito si Balaam upang sumpain ang Israel, subalit ang sumpang iyon ay ginawa ng Diyos natin na isang pagpapala.
Read full chapter
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
By Philippine Bible Society