Font Size
Nehemias 9:15-17
Magandang Balita Biblia
Nehemias 9:15-17
Magandang Balita Biblia
15 “Nang(A) sila'y magutom, binigyan mo sila ng pagkaing mula sa langit;
at nang sila'y mauhaw, pinainom mo ng tubig mula sa bato.
At sa kanila'y sinabi mo na sakupin ang lupaing
sa kanila'y ipinangako mong ibigay.
16 Ngunit(B) naging palalo ang aming mga ninuno,
nagmatigas sila at sinuway ang mga utos mo.
17 Hindi(C) sila sumunod at nilimot ang mga himalang iyong ginawa para sa kanila.
Naging matigas ang kanilang ulo at naglagay ng pinuno
na mangunguna sa kanila pabalik sa pagkaalipin sa Egipto.
Ngunit ikaw ay Diyos na mapagpatawad at mahabagin,
hindi madaling magalit at sagana sa wagas na pag-ibig,
kaya't sila'y hindi mo itinakwil.
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.