Font Size
Nehemias 9:17-19
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Nehemias 9:17-19
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
17 Hindi(A) sila sumunod at nilimot ang mga himalang iyong ginawa para sa kanila.
Naging matigas ang kanilang ulo at naglagay ng pinuno
na mangunguna sa kanila pabalik sa pagkaalipin sa Egipto.
Ngunit ikaw ay Diyos na mapagpatawad at mahabagin,
hindi madaling magalit at sagana sa wagas na pag-ibig,
kaya't sila'y hindi mo itinakwil.
18 Gumawa(B) rin sila ng diyus-diyosang guya,
at sinabing iyon ang diyos na naglabas sa kanila mula sa Egipto.
Labis ka nilang nilapastangan!
19 Ngunit(C) hindi mo pa rin sila pinabayaan sa ilang,
sapagkat walang kapantay ang iyong kahabagan.
Hindi mo inalis ang haliging ulap
na patnubay nila sa paglalakbay sa araw
at ang haliging apoy na tumatanglaw sa kanila pagsapit ng dilim.