Add parallel Print Page Options

18 Gumawa(A) rin sila ng diyus-diyosang guya,
    at sinabing iyon ang diyos na naglabas sa kanila mula sa Egipto.
Labis ka nilang nilapastangan!
19 Ngunit(B) hindi mo pa rin sila pinabayaan sa ilang,
    sapagkat walang kapantay ang iyong kahabagan.
Hindi mo inalis ang haliging ulap
    na patnubay nila sa paglalakbay sa araw
    at ang haliging apoy na tumatanglaw sa kanila pagsapit ng dilim.
20 Pinatnubayan mo sila ng iyong Espiritu, upang turuan sila ng dapat nilang gawin.
    Patuloy mo silang pinakain ng manna, at binigyan ng tubig na pamatid uhaw.

Read full chapter