Add parallel Print Page Options

(A)Ikaw ang Panginoon, ikaw lamang; ikaw ang lumikha ng langit, ng langit ng mga (B)langit, pati ng lahat na natatanaw roon, ng lupa at ng lahat na bagay na nangaroon, ng mga dagat at ng lahat na nangaroon, at iyong pinamalaging lahat; at ang hukbo ng langit ay sumasamba sa iyo.

Ikaw ang Panginoon na Dios, na siyang pumili kay (C)Abram, at naglabas sa kaniya sa Ur ng mga Caldeo, at nagbigay sa kaniya ng pangalang Abraham.

At nasumpungan mo ang kaniyang puso na (D)tapat sa harap mo, at (E)nakipagtipan ka sa kaniya, upang ibigay ang lupain ng (F)Cananeo, ng Hetheo, at ng Amorrheo, at ng Pherezeo, at ng Jebuseo, at ng Gergeseo, upang ibigay sa kaniyang binhi, at (G)tumupad ng iyong mga salita; sapagka't ikaw ay matuwid.

Read full chapter